15 September 2009

"kuna, no muna?!?"


“Bakit wala ka pang anak?!” Iyan ang laging tanong sa akin ng mga kung sinu-sinong poncio pilato jan sa tabi-tabi. Kulang na lang eh idikdik sa face value mo na “baog ka ba or bakit ka pa ng asawa kung ayaw mo ng anak or cge ka baka kung kelan gus2 mo na eh nde na ibigay sa iyo?!” Kung pwede lang bang murahin sila at magtransform ako bilang isang super villain at i-vanish sila detech sa earth, matagal ko na sana ginawa iyon! Hmmp, hay buhay!!!

Sabi nila ang mga mag asawa daw na ayaw magka-anak ay madamot, takot sa responsibilidad, makasarili, makamundo (karera at pera) at kung anek anek pa. Sino ba ang mas madamot at irresponsible --- ang isang legal na mag asawa na naniniwala sa salitang family planning o ang isang magsing-irog na ang iniisip lamang ay ang panandaliang kaligayahan dala ng matinding kapusukan na maaaring magdulot ng panibagong yugto sa kanilang walang kamuwang-muwang na mundo. (excuse me po… paumanhin sa mga natatapakan…)

Isang katanungan lamang… tila baga, ang mga mag asawa sa panahon ngayon na walang anak ay mas pinagtataasan pa ng kilay kesa sa mga disgrasyadang pagbubuntis (excuse me po ulit). At bakit naman kaya ganun ang trato sa mga childless marriages either by choice or by nature?!? Dahil ba sa kulturang pang pamilya ng isang Pilipino?! Aba’y malay ko, pero para sa inyong abang lingkod… praktikal at malalim na personal reason ang hindi pa po namin sa ngayon (again take note: sa ngayon or maging sa bukas or maging never man- wa kayo care!) na maging isang ulirang ina’t ama...

Minsan kapag ako’y nagninilay-nilay sa ilalim ng bilog na buwan (kekelorki), tinatanong ko sa aking sarili na sadyang nde ba tlga para sa akin ang pagiging isang ina, kundi isang asawa lamang. O sadyang gusto ko lamang mabigyan ng maayos at disenteng kinabukasan ang aking magiging supling (again,disente nde ko sinabing magarbo) kaya naman ayoko pang tahakin ang landas na iyon. Madami na akong narinig na kuro-kuro at komentos de patatas, mga unsolicited yet demanding advice ng mga kung sinu-sinong tao. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Pero sa dinami-dami ng mga ito, alam ko na ang kasagutan at iyon ay nasa kaibuturan ng aking apdo este puso… ITS OUR OWN PERSONAL CHOICE (dnt you get it, gudamnit)

Bakit naman kasi napakaraming pakialamero at mga atribi (ako lang dapat-hehe) na tao sa earth na ito lalo na sa bansang Pilipinas... Kaya wala tayong asensyo at nde umunlad ng dahil sa ganitong klaseng bulok na mentalidad... Mind your own freaking shity business please...Di ba nga kung san ka masaya, suportahan taka?!?


Ngunit dala na rin na aking kalorkihan at pagiging atribi (tulad nyo) … isang pagtatanong lamang ang aking gustong ipahiwatig sa pangkalahatan, at ito ay:
“I I don’t have a child, would that make me a lesser woman/person?!?
And God wouldn’t allow me to enter His kingdom and i shall be burn in hell?!?”

Yun lng po...

(ps. Paumanhin po sa bugso ng matinding damdamin)

---atribi


09 July 2009

unfair daw oh!

Umagang txt ng isang kaibigan. Tila nagpapahiwatig ng mga pagmumuni-muni sa araw. Sabi nya sa txt, “Tama nga si Bob Ong… mahirap masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay mo.” Nakakatuwa nga naman diba, tila totoo nga… ano nga ba ang nakasanayan natin na pwede naman wala sa buhay natin? Mga luho sa buhay, malamang.


Ngayong umaga rin sa sermon ng pari sinabi niya na, “We should feel blessed despite the difficulties and trials that we are submerged into this life.” Simple lang ngunit rock ika nga nila. Hehehe Kanina rin may isang babae akong katabi at puro reklamo ang sinasabi kesyo ganito at kesyo ganyan. Mga simpleng bagay na ginagawang problema. At nagbitaw pa siya ng salitang, “ shocks, life is so kaka unfair!” (taray ng lola ko diba?!)

Minsan naiisip ko at kinikwestiyon ko ang mga nangyayari sa aking buhay karera o propesyonal, ngunit minsan mas nananaig ang pasasalamat kay Bro dahil sa napakaraming bagay. Tulad ng mga pagkakataon na matuto at mahulog, na kumakain pa rin ako ng halos labis sa tatlong beses sa isang araw, may maayos na bahay na tinutuluyan, may hinihigang kama sa malamig na gabi, may mga damit na sinusuot, may kaunting pera na pambili ng mga bagay2 at may pamilyang walang kupas na nagmamahal at sumusuporta. At ang buhay pa ko sa mga panahon na ito, humihinga at lumalaban sa mapaglarong guhit ng tadhana. Ang kahalagahan ng pamilya at pagmamahalan. At ang sinasabing peace of mind na hindi nabibili ng anuman at ng kung sino man. Minsan kasi hindi natin nakikita ang mga simpleng bagay na dapat natin ipagpasalamat at masabing,
"we're blessed!"

Hay buhay… ganyan tlga minsan nasa harapan mo na ang mga leksyon, kulang nalang ika’y batukan at sabunutan at sabihin ... hoy bruhilda, gising! hehehe

Kaya kyo (lalo na sa babaeng katabi ko knina hehehe), kung minsan nararamdaman nyo na “life is so unfair”, pumunta ka sa gabi sa kahabaan ng UN ave o kaya sa Baclaran at makikita mo ang napakaraming homeless na nakahiga sa malamig na kalsada, pumunta ka sa mental makikita mo ang madaming baliw na lalong nababaliw dahil walang pamilyang sumusuporta, dumalaw ka sa may mga sakit sa ospital na nag aagaw buhay, tignan mo ang buhay scavenger na nangangalakal para lamang makabili ng pagkain sa kumakalam nilang sikmura, o kahit sa simpleng lumabas ka lang sa kawalan ng mundo, --- magmasid, makinig, makiramdam at makikita mo na totoo na unfair ang buhay para sa kanila at masasabi mong,“ shocks, life isn’t unfair for you!


---atribi

30 June 2009

"hu-wedin"

Hunyo na naman panahon ng mga kasalan. Pero mayroon akong nabasa nagsasaad ng isang survey: 44.9% civil ceremony versus 37.1% church wedding. Iyan daw ang statistic ng mga Pinoy na nagpapakasal sa huwes at simbahan. Bakit nga ba ganito na ang nagiging “trend” ng mga taong nais magpasakal este kasal. Madaming factor ang pwede nating tingan dito. Marahil ang unang una dahilan na ibibigay sayo ay pang pinansyal na rason. Hindi rin naman kasi biro ang magpakasal sa simbahan. Kahit sabihin mo na pinaka simple pa ang gusto mo ay gagastos ka sa panahon ngayon na hindi bababa sa isang daang libong piso ikumpara mo nga naman sa halos limang daang piso sa huwes. Pati pa meron rin mga libreng kasalan sa ibang mga munisipyo. Bakit kaya ang simbahang Katolika hindi magkaroon ng mga libreng mass weddings? Meron man ay bilang lamang.

Sino ba naman ang ayaw lumakad at humarap sa altar kasama ang iyong sinisinta. Lahat naman ata ng kababaihan ay ito ang pangarap. Ngunit sa panahong taghirap at praktikal? Saan ka kakapit diba? Mas pipiliin mo ba na magsama na lamang or may legalidad man lang? Sabi nila nde daw pinagpapala ang samahang hindi nabasbasan ng simbahan. Pero para sa akin, hindi pagpapalain ang samahang walang pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa at nde sentro si Bro ng kanilang buhay.

Napaisip lang tuloy ako, ano ba ang mas mahalaga--- ang salitang “wedding” o “marriage”?!? Kayo, ano sa tinggin nyo? (nagtatanong lamang)
---atribi

12 June 2009

"raysist"

Sabi nila masama daw maging racist o yun maging mapanghusga sa ibang lahi. Pero minsan hindi rin natin mapipigil na maging mapangkutya sa ibang kultura. Sa totoo lang, ako mismo guilty dito lalo na noong nagging isang ofw ako sa desyerto. Madami ka talagang makikitang mali o hindi tama sa ibang tao or sadyang laetera ako! Hahahaha

Tayo kasing mga Pinoy, may mga kinalakihan na rin na mga “racist side comments”. Tulad ng pagtawag sa mga Chinese na “Instik”. Na kung saan hindi nila ito gusto. Sabi ng isang kaibigan, “politically incorrect” daw iyon. Isa pang halimbawa ang pagtakot sa mga bata na kukunin sila ng Bumbay kapag hindi tumahimik at mga kung anu-ano pang mga katatawanan na pwedeng i-ugnay sa kanilang lahi. At masyado pang madaming halibawa na kung tutuusin ay mismong tayong mga Pinoy ay meron rin “racist comments”.

Ngunit subalit datapwat, wag ka…pag tayo na ang tinitira o kinanti ay nangigilaiti na tayo sa galit! Kasi madalas kung minsan sabi nga nila “truth hurts.” Pero naniniwala ako na hindi lahat ng racial slur ay sataire o komedya in nature. Minsan rin talaga madami rin ang offensive foul na tinatapon sa ating lahing Pinoy. Yung iba pa nga pwedeng tawagan ni referee ng technical foul! Pero anuman ang maging racist comment sa ating dakilang lahing Pinoy, totoo man o hindi, ang ating tignan mismo ay ang ating mga sarili. Pagandahin at paunlarin natin ang ating lahi para kahit anumang ibato sa ating ng mga ibang lahi na iyan ay lahat tayo pwedeng isigaw na “Proud Pinoy ako, ngayon, bukas at magpakailanman” (naks)
Happy Independence Day, mga katoto! Mabuhay ang Lahing Pinoy! (bow)
--atribi

10 June 2009

anak ng tipaklong!

Kaninang umaga habang papunta ko sa ospital para magpa check up at tinatahak ang kahabaan ng Ortigas Avenue ay ito ang sumambulat sa akin:


Isang puti at mahabang coupon bond na mainit init pa halatang galing sa Xerox machine ang pinamimigay ng isang batang lalaking paslit na halata naming napag utusan lamang ng kung sinong Poncio Pilato diyan.

Sino naman kaya ang may utak ng mga ganitong churvaness. Malay ko! Basta ang alam ko sadyang nakakapang init ito ng ulo sa umagang dapat ay kay ganda!

Nag aksaya ng papel at malamang ay nagtapon ng pondo ng gobyerno ang may pakana nito. Kung mababasa mo ito, sa una, matutuwa ka sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa matinding AH1N1 virus na kumakalat na rin dito sa Pinas. Masasabi mong very informative. Pero subalit, datapwat, sa huli sumundot na isang matinding hirit na tila masasambit mo na lamang ay “AMP!” Sa totoo lang, pasikot sikot pa ang mga sinabi at wari’y ginagawa pa tayong tanga sa gusto nilang ipahiwatig. At ang bottom line lang pala, at sa bottom nga siya nakasulat, ay ang huwag pagdalo sa CON ASS rally sa Makati ngayon! Tinakot pa ang mga tao sa paggamit ng isyu ng isang makamandag na virus. Na kung tutuusin ay mas makamandang pa ang mga ugali at sistema ng ating bulok na gobyerno na sadyang papatay sa isang Juan Dela Cruz.

Aysusme! Ke aga-aga ay ganitong klaseng bulok na pauso ang ipapamuka sayo ng mga p***g*** na mga hinayupak at baluktot na alagad ng mga demonyong pulitikong iyan… Anak ng libong tipaklong nga naman, san ba tayo pupulutin kung ganitong sistema ang umiiral sa ating gobyerno! Henaku, nakaka high blood talaga…
Yung lang...

---atribi